Answers to MKule Questions
Here is an emailed questionnaire by the Manila Collegian which I recently replied to. Still in connection with the UP General Assembly of Student Councils (GASC) last Nov. 12-14.
Peter John Navarro wrote:
[Please correct the spelling of my name. It's Albert Francis Domingo. =) ]Mr Albert Francisco Domingo, pakisagot po ng mga
questions enumerated here:
Ako po'y nalulungkot sapagkat may sariling interpretasyon ang ating student regent sa house rules na rinatify sa Cebu pa noong Oct. 22-23, 2005. Ayon sa Section I, Rule 2: "A simple majority of fifty percent plus one (50% + 1) of all student councils present shall constitute a quorum for any session to do business. Only when a quorum is in existence can a formal session proceed." Noong nag-resume ang session ng GASC nung umaga ng Sabado, 44 councils ang nagrehistro. Noong nag-roll call muli ng bandang alas-6 o 6:30 ng gabi, 24 ang nagresponde at sumang-ayon na hindi pa tapos o kaya'y na-adjourn ang GASC. Ang simple majority ng 44 ay 23, kaya't sa bilang na 24 na sumagot sa roll call ay quorum pa rin. Bagama't ito'y ipinarating kay SR Ken, ito'y hindi niya pinakinggan. Inanyayahan siya na ituloy ang proceedings, at iyon ay kanyang tinanggihan.Ano po ang masasabi niyo na "caucus" lang ang naganap
na assembly sa Teacher's Village, ayon na rin kay SR
Ramos?
May basehan rin ang paglipat ng proceedings mula sa UPD School of Economics patungo sa Teacher's Village. Malinaw na masusunod ang kagustuhan ng mayorya: GASC House Rules Section I, Rule 4 - "No session of the meeting shall be convened in any place other than that specified in the Program of Activities without the consent of the majority of the student councils present." Mayorya mismo ang humingi na ilipat sa ibang lugar ang session dahilan sa pagbubuyo, pangugulo, at pag-iingay ng isang mob.
Ang pagpayag sa pagpasok ng magulong mob sa mismong loob ng session hall kung nasaan nakalugar ang mga delegado ay isa pang paglabag sa House Rules na hinayaan at umano'y tinulungan pa ng student regent. (GASC House Rules Section I, Rule 12 - "All sessions shall be open to bonafide UP students who are not part of the GASC as observers, therefore having no power to participate in the proceedings of the assembly, provided that they can present a valid UP identification card and they will observe proper behavior. The presiding officer can limit the number of observers present." Emphasis supplied.)
Iyan po ay posisyon na hindi kinikilala ng mayorya ng GASC. Nakalulungkot po uli na ayaw pakinggan ng student regent ang boses ng nakararaming mga student council sa UP system; bagkus ay sinusunod niya ang minorya kahit ba mali-mali na ang kanyang pagbasa sa rules. Ibang klase at maling konsepto ng demokrasya ang kanyang pinapanigan - yung tipong walang pakialam sa pasya at kabutihan ng nakararami.Hindi rin daw recognized ang mga amendments na
na-adopt niyo in that session at hindi ito masusunod
sa SR seletion sa December.
Nagresume ang GASC session sa Teacher's Village eksakto 12:00 am ng Nobyembre 14, 2005. Natapos ito bandang 6:30 am ng araw rin na yun. Naroon ang (ang eksaktong attendance ay inilista ng isang temporary secretariat, ito ang nasa listahang-kamay ko): UP Diliman - USC, NCPAG, AIT, ENG'G, CS, CHK, MUSIC, ECON, STAT, CSSP, ILIS, BA; UP Manila - USC, MSC, NSC, CPHSC; UP Los BaƱos - USC, CDC, CAS, CEM, AGRI; UP Mindanao - USC, CSM, CHSS. Sa botohan ay mas marami sa 24 ang narehistrong boto sapagkat pinapayagan ng GASC House Rules ang proxy voting (Section V, Rule 38 - In the event of a member council's inability to attend, a designated representative may vote on its behalf provided that the said representative bears the appropriate authorization letter.). Kung isasama ang mga council na nakilahok sa pamamagitan ng authorization letter, nasa 31 ang bilang ng mga konsehong sumama sa resumption ng GASC sa Teacher's Village.What time did the session in TEacher's Village started
and what time ended? Sino-sino rin ba ang mga student
councils na naroon?
Sino po ang nagpreside sa session na iyon?
Noong nasa UPD School of Economics Auditorium pa lang, habang binubuyo't ginugulo ng isang mob sa loob mismo ng kwarto, minarapat ng GASC na ideklarang bakante ang posisyon ng Presiding Officer (hindi ang Opisina ng Student Regent) dahilan sa kanyang pag-iwan sa kanyang trabaho. (Inanyayahan si SR Ken na ituloy ang proceedings ngunit tumanggi siya.) Inihalal ako ng GASC bilang temporary Presiding Officer ayon na rin sa mga regulasyon ng parliamentary procedures at sa GASC House Rules (Section I, Rule 7 - "The Student Regent shall preside in all the sessions, unless the chair is relinquished to another person in accordance with the House Rules").
Nasa agenda ng GASC simula pa lang sa Cebu (na siyang agenda na kinilala rin ni SR Ken) ang "Timetable for the Student Regent Selection process." Pagkatapos pag-usapan ang mga amendments, pinag-usapan na rin ng GASC noong umaga ng Nobyembre 14, 2005 ang lugar at oras na pagdadausan ng SR selection, at ang napag-usapan ay sa UPLB Campus (specific venue TBA) sa Disyembre 17-18, 2005. Dahilan sa na rin sa mayorya at quorum ng mga UP student councils (at hindi "grupo ko") ang tumuloy ng session sa Teacher's Village at nagkaisa sa UPLB 12/17-12/18, iyan po ang tama at lehitimong proseso.The OSR has already released a schedule for the next
SR selection and according to the memorandum of Ramos,
the GASC shall reconvene on December 20-21 as opposed
to the sked your group had set. Please comment on
that.
Wala po kahit saan man - sa Parliamentary Procedure man o sa GASC House Rules na siyang dalawang basehan ng pagpapatakbo ng GASC - ang posisyon ni SR Ken na meroon siyang prerogative at capacity na mag-adjourn, anuman ang dahilan niya, nang walang pahintulot ng asamblea. Sa katunayan, linabag niya ang GASC House Rules sa ginawa niyang iyon sapagkat may tumutol sa umano'y adjournment niya at hindi niya inilagay sa botohan ang pagtutol na iyon. (GASC House Rules Section I, Rule 9 - "The sessions of the meeting shall not be suspended or adjourned except through majority vote of the student councils present.") Napakalinaw rin na ang pulong o asamblea lamang ang maaaring magpasara o mag-adjourn ng session, ayon na rin sa GASC House Rules (Section I, Rule 8 - "The Student Regent shall open a session by calling the house to order. When directed by the House, he shall close a session with the phrase 'the meeting is adjourned' or 'ang pulong ay itinitigil'." Emphasis supplied.) Walang pahintulot ng mayorya ng asamblea ang umano'y pag-adjourn na ginawa ng student regent.Sinabi ni SR Ramos na valid ang pagdeclare niya ng
adjourment of session nuong nov13 dahil may
prerogative at capacity siya to do so when abnormal
circumstances arise,at ang political tension at chaos
na nangyari nuong sunday ay isang halimbawa ng isang
extraordinary circumstance. Please comment.
Nakakalungkot na ang inaasahang modelong kabataan para sa paglaban sa bulok na pulitika na ating nasasaksihan sa mas malaking lipunan ay siya mismong lantarang lumalabag sa mga batas na itinakda para sa kabutihan ng lahat.
hope to receive your reply asap.urgent issue lang po.
thank you very much
0 Comments:
Post a Comment
<< Home